MANILA, Philippines — Nasa 38 lugar sa bansa ang itinuturing ng Department of Interior and Local Government (DILG) na election hotspots.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na sa naturang bilang, 27 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay Remulla, mainit ang labanan sa pulitika sa 38 na lugar para sa May 2025 elections.
Idinagdag pa ng kalihim na isa rin sa mga hotspot ang Albuera na nasa ikatlong distrito ng Leyte.
Matatandaang Nobyembre 20016 napatay ang mayor ng Albuera na si Rolando Espinosa dahil sa umano’y pagkakadawit sa operasyon ng illegal na droga.
Kandidato sa pagka-mayor ang anak nitong self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na una nang nakulong dahil sa illegal na droga na makakalaban si incumbent Mayor Sixto dela Victoria.