^

Police Metro

Pang-unawa ng solon sa EO 13, kinwestiyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinwestiyon ng ilang mambabatas ang na­ging pang-unawa ni Rep. Gerville Luistro ng Batangas 2nd District sa Executive Order 13 (EO 13) na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 sa isang pagdinig sa Kongreso kamakailan.

Sinabi ni Rep. Luistro, na sumaklaw ang EO 13 sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas, na isang mali at hindi tamang interpretasyon.

Sinasabi ng isang administratibong utos ang EO 13, na naglinaw sa mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpapatibay sa mga umiiral na batas.

Hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensyadong operator lang ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na ipinasa na ng Kongreso.

Ang Republic Act No. 11590, na ipinasa ng Kongreso noong 2021, ang nagpatibay sa kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming. Pinag-utos nito na kailangang kumuha ang mga POGO ng lisensya at magbayad ng buwis, kaya’t pinatibay ang regulasyon sa online gaming.

Ang pahayag ni Luistro na sumaklaw ang EO 13 sa kapangyarihan ng Kongreso, ito ay hindi lamang umano mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with