^

Police Metro

Trader, matansero inutas sa meat shop

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Trader, matansero inutas sa meat shop
Idineklarang dead on arrival sa ­Bernardino Hospital ang mga biktimang sina Romeo Collado, 43, meat shop owner at April Boy Lutao Cerbito, 27 habang nagpapagaling naman sina Alejandro Turo Agnes, 44 at misis ni Romeo na si Melody, 42.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Isang negosyante at tauhan nito na ­matansero ang nasawi habang da­lawa pa ang sugatan matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang meat shop kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa ­Bernardino Hospital ang mga biktimang sina Romeo Collado, 43, meat shop owner at April Boy Lutao Cerbito, 27 habang nagpapagaling naman sina Alejandro Turo Agnes, 44 at misis ni Romeo na si Melody, 42.

Target naman ng manhunt ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection (QCPD-CIDU) ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril na mabilis nakatakas sakay ng motorsiklo.

Sa imbestigasyon, nangyari ang pamamaril, alas-2:30 ng madaling araw sa loob ng Russel Meat Shop sa Dumalay St., Brgy. Sta. Monica, ng lungsod.

Nabatid na ­naghahanda na ang mga biktima sa pagbubukas ng kanilang meat shop nang isa sa mga suspek ang pumasok at walang habas na pinagbabaril sina Romeo at Cerbito habang tinamaan ng ligaw na bala sina Agnes at Melody.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungong Quirino Highway.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with