^

Police Metro

2 Chinese hinuli sa rape, robbery sa kapwa Chinese

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawa sa apat na lalaking Chinese nationals na suspek sa panggagahasa at pagnanakaw sa isang negosyanteng kababayan nila ang naaresto sa ikinasang operasyon sa isang hotel sa Pasay City, Biyernes ng gabi. 

Ayon kay Pasay City Police chief, P/Colonel Samuel Pabonita, nadakip ang mga suspek na sila alyas “Xu” at alyas “KK”, sa loob ng hotel sa Roxas Boulevard matapos i-report sa awtoridad ng babaeng 38-anyos na Chinese national.

 Sa reklamo na inilahad sa tulong ng kaibigan ng biktima, nakatransaksyon ng biktima ang mga suspek online para sa pagpapalit ng Philippine peso sa Chinese Yuan.

 Sa isang hotel pinapunta at doon tinutukan ng baril ang biktima, pinapasok sa silid kung saan may tatlo pang kasamahang suspek ang naghihintay. Wala na umanong nagawa ang biktima sa panghahalay sa kaniya sa takot na mapatay.

Kinuha rin umano ng mga suspek ang P20,000 cash ng biktima at saka siya pinayagang makaalis.

Nakuhanan ang mga naaresto ng kalibre .40 at kalibre .25 na baril.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with