^

Police Metro

OFWs sa Lebanon may P150K kapag umuwi ng Pinas

Joy Cantos - Pang-masa
OFWs sa Lebanon may P150K kapag umuwi ng Pinas
Nanawagan ang mga pamilya ng mga Pinoy workers sa Lebanon sa pangunguna ng Migrante International na nagsagawa ng rally sa harap ng Department of Foreign Affairs, sa Roxas Boulevard, Pasay City na hinamon na agad magsagawa ng plano para sa asiste at pagsagip sa mga Pinoy na apektado ng giyera ng US-Israel laban sa Lebanon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May naghihintay na tig-P150,000 para sa bawat overseas Filipino worker (OFW) mula Lebanon na uuwi sa bansa kahit pansamantala lang dahil sa giyera doon. Ito ang napag-alaman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pakikipagpulong niya kamakailan sa mga opis­yal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ginawa ni Tulfo ang pakikipag-usap kay OWWA Administrator Arnel Ignacio para malaman ng House leadership sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang status ng repatriation ng mga Pinoy sa bansang Lebanon.

“Base sa briefing na ibinigay sa atin ni Admin. Ignacio, may 11,000 pa daw na mga Pinoy ang nasa Lebanon,” ayon kay Cong. Tulfo. Bukod sa pamasahe na sasagutin ng DMW at OWWA, magbibigay rin ang naturang dalawang ahensiya ng tig-P75,000 o kabuuang P150,000 pa na cash assistance sa mga OFWs, pagdating nila sa Pilipinas.

Aniya, “OWWA assured us na naka-ready sila lalo na ang Department of Migrant Workers (DMW) at sapat ang pondo para pauwiin ang mga naiipit na OFW doon.” Ayon naman kay ­Tulfo, mahigpit na binabantayan ng kongreso ang mga kaganapan hindi lang sa Lebanon kundi sa Israel at Iran na rin.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with