‘No gadget’ policy kay Quiboloy para ‘di mangampanya online - PNP
MANILA, Philippines — “Hindi makakagamit ng social media o anumang gadget si Pastor Apollo Quiboloy para makapangampanya ito online.”
Ito ang siniguro ng Philippine National Police (PNP) kasunod nang paghahain nito ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Brig Gen. Jean Fajardo, kinakailangan ng pahintulot ng korte sa anumang aktibidad ng isang indibidwal na nasa PNP Custodial Center.
Samantala, wala pang desisyon ang korte sa mosyon ng kampo ni Quiboloy kaugnay ng kaniyang hospital arrest.
Ang pre-trial ng kaniyang kasong qualified human trafficking ay nakatakda sa November 22 sa Pasig RTC Branch 159 kung saan inaasahan ang resolusyon ng korte.
Sa nasabing pagharap din sa korte posibleng pagdesisyunan kung kinakailangan bang sa pagamutan muna si Quiboloy o mananatili ito sa PNP Custodial o kaya ay sa Pasig City Jail.
- Latest