MANILA, Philippines — Nalagak ng piyansa sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa dalawang count ng kasong graft na isinampa ng Department of the Interior and Local Government hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban.
Kinatigan ni Valenzuela RTC Judge Elena Amigo Amano ang hirit na piyansa ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David bunsod na rin ng mga petisyon hinggil sa kustodiya ng dating alkalde.
Nagpiyansa ng P540,000 Valenzuela City RTC Branch 282 matapos na iutos ng Ombudsman na triplihin ang P90,000 na piyansa sa kasong paglabag Section 3(e) at 3(h) ng Republic Act 3019.
Unang tinangka ni Atty. David na magkaroon ng status quo para manatili sa Philippine National Police (PNP) custodial facility si Guo dahil maituturing na high profile ang kaniyang kliyente.
Gayunman, sinabi ng korte na may letter request ang Quad Committee ng House of Representatives na kunin ang kustodiya kay Guo dahil sa contempt order nito.
Kasalukuyang nakakulong si Guo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.