MANILA, Philippines — Upang magbantay sa compound ng Senado ay Ibinalik ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Philippine Marines.
Itinanggi ni Escudero na mayroong banta sa seguridad ng Senado kaya ibinalik ang mga marines at pinalitan ang security unit ng Philippine National Police (PNP).
Ipinaliwanag ni Escudero na ang Philippine Marines ang orihinal na nagbabantay sa grounds ng Senado maging sa House of Representatives at ibinalik lamang niya ito.
Ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms pa rin naman ang magbabantay sa loob ng Senate building.
Wala rin aniyang kinalaman ang nasabing hakbang sa imbestigasyon ng Senado sa ilegal na POGO at sa inaasahang pagharap sa Senado ni religious leader Apollo Quiboloy.