Pangulong Marcos masama ang pakiramdam

MANILA, Philippines — Masama umano ang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang mapansin na nakasuot ito ng face mask sa ipinatawag na sectoral meeting sa Malacañang, kahapon.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na posibleng nahawa ang Presidente dahil nagdiwang ito noong nakalipas na linggo ng kanyang kaarawan at marami ang bumati sa kanya.

 “He’s just under the weather. So I supposed, it was his birthday last week, sa rami nung bumati sa kanya, I’m sure someone passed him a bad bug,” ani Herbosa.

Matatandaang nag-ikot ang Pangulo sa iba’t ibang lugar nitong nakalipas na linggo at namahagi ng tulong ng gobyerno at bago mag-weekend ay ipinagdiwang nito ang kanyang kacarawan sa ibinigay na surprise party ng kanyang mga kaibigan sa isang hotel.

Show comments