^

Police Metro

Opisina ng DFA sa Pasay, binulabog ng bomb threat

Ludy Bermudo - Pang-masa
Opisina ng DFA sa Pasay, binulabog ng bomb threat
Natanggap ang ulat, alas-7:00 ng umaga ni Pasay City Police Station, chief P/Col. Sa­muel Pabonita, na nag-utos sa mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Special Weapon and Tactics (SWAT) Team na magtungo sa lugar upang suyurin ang bawa’t sulok ng tanggapan.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Binulabog ng bomb threat kahapon ng umaga ang gusali ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.

Natanggap ang ulat, alas-7:00 ng umaga ni Pasay City Police Station, chief P/Col. Sa­muel Pabonita, na nag-utos sa mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Special Weapon and Tactics (SWAT) Team na magtungo sa lugar upang suyurin ang bawa’t sulok ng tanggapan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nagmula ang impormasyon hinggil sa bomba na itinanim umano sa DFA building nang mag-email ang mga em­pleyado ng Philippine Embassy sa Canada.

Sa nasabing embahada ipinarating ang impormasyon na ipinabatid lamang sa DFA sa Pilipinas.

Negatibo naman sa anumang bakas ng bomba sa mga tanggapan matapos ang pagsuyod ng EOD at SWAT kaya’t pinabalik ang mga kawani alas-8:00 ng umaga. Paiimbestigahan umano ng intelligence security unit ng DFA ang insidente.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with