2 utas sa pagsabog ng IED sa beach resort

Sa ulat nina Tukuran Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang insidente ng pagsa­bog sa dalampasigan ng AJ Resort ng Barangay Lower Bayao na kung saan ay nasawi ang dalawang tao.
Photo courtesy of Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Agad nasawi ang dala­wang hindi pa nakikilalang indibidwal sanhi ng pagsabog ng isang uri ng improvised explosive device sa isang beach resort sa Barangay Lower Bayao sa Tukuran, Zamboanga del Sur, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat nina Tukuran Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang insidente ng pagsa­bog sa dalampasigan ng AJ Resort ng Barangay Lower Bayao na kung saan ay nasawi ang dalawang tao.

Nabatid na inilagay sa utility box ng motorsiklo ang home-made bomb na iniwan hindi kalayuan sa isang tindahan sa natu­rang beach resort nang ito ay sumabog.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang responsable sa naturang pambobomba.

Show comments