^

Police Metro

Puganteng Koreano inaresto sa BI head office

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Korean na wan­ted sa kanilang bansa ang dinakip sa loob mismo ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila habang nagpoproseso ito ng kanyang bagong pasaporte.

Hindi pinangalanan ng mga otoridad ang 56-anyos na Koreano na sinasabing pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea magmula pa noong 2021 na tumangay ng higit sa $1milyong dolyar sa pamamagitan ng mga pekeng loan application. Nakalista rin ang pangalan nito sa red notice ng Interpol.

Nahaharap ngayon sa deportation ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig, habang hinihintay ang karagdagang legal proceedings kaugnay nito.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with