^

Police Metro

Mga bomba ng mga terorista, nasamsam

John Unson - Pang-masa
Mga bomba ng mga terorista, nasamsam
Sa pahayag kahapon ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, nakumpiska nitong Miyerkules ng mga tropa ng 1st Brigade Combat Team ang malalakas na uri ng improvised explosive devices sa isang kubo sa Barangay Tee sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur na kanilang ginalugad matapos makatanggap ng ulat mula sa mga impormanteng napuna ang presensya ng dalawang tao doon na may ginagawang mga IED.
File

MANILA, Philippines — Napigil ng mga sundalo ang balak ng mga nalalabing kasapi ng grupong Dawlah Islamiya na magbomba sa ilang lugar sa Central Min­danao bilang pakitang gilas kasunod nang pagsuko ng marami nilang miyembro sa pamahalaan.

Sa pahayag kahapon ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, nakumpiska nitong Miyerkules ng mga tropa ng 1st Brigade Combat Team ang malalakas na uri ng improvised explosive devices sa isang kubo sa Barangay Tee sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur na kanilang ginalugad matapos makatanggap ng ulat mula sa mga impormanteng napuna ang presensya ng dalawang tao doon na may ginagawang mga IED.

Mabilis na nakatakas ang dalawang lalaking namataan sa kubo, na ayon sa mga residente ng Barangay Tee ay mga kasapi ng Dawlah Islamiya.

Ayon sa mga residente ng Barangay Tee, ilan sa kanila mga Islamic preachers, may balak ang nalalabing konti na lang na mga miyembro ng Dawlah Islamiya na magpasiklab sa pamamagitan ng pambobomba ng ilang target sa Central Minda­nao upang maipakitang malakas pa rin ang grupo sa kabila ng pagsuko ng 316 na mga kasapi nito sa iba’t ibang unit ng 6th ID mula 2022.

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with