Guo na-cite in contempt uli ng Senado
MANILA, Philippines — Sa pangalawang pagkakataon ay muling na-cite in contempt ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo dahil sa umano’y patuloy na pagsisinungaling sa mga senador.
Paulit-ulit din na tumanggi si Guo na sagutin ang tanong ng mga senador kaugnay sa kanyang tunay na pagkatao.
“Alice Guo is continuing to lie to this committee despite glaring evidence that she is a Chinese national named Guo Hua Ping, whose father Jian Zhong Guo is Chinese based on her own declaration in this committee, and whose mother Lin Wen Yi is also Chinese based on her own declarations in bank documents by the way verified by the AMLC,” ani Senator Risa Hontiveros.
“This is a blatant defiance of the legislative’s constitutional power of inquiry. Lumalabas na pinaglalaruan mo ang aming batas at pinapaikot mo ang mga Pilipino, pero ibahin mo ang Senado,” aniya pa.
Nai-cite in contempt si Guo ni Hontiveros “for testifying falsely and evasively” sa harap ng komite.
Ito ang unang pagkakataon na humarap si Guo sa imbestigasyon ng Senado matapos siyang tumakas sa bansa noong Hulyo.
Si Guo o si Guo Hua Ping, na nahaharap sa mga reklamo ng human trafficking, bukod sa iba pa, ay huling dumalo sa pagdinig ng Senado noong Mayo 22.
Iligal siyang umalis ng bansa noong Hulyo at nahuli sa Indonesia at dinala pabalik sa Pilipinas noong nakaraang linggo.
- Latest