^

Police Metro

3 preso na tumakas sa Taytay, balik-selda

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-kulungan na ang tatlong preso na tumakas mula sa Taytay police custodial facility nang maaresto sa tirahan ng kani-kanilang mga kasamahan sa Rizal at Pasig City.

Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay police, na si Ronald Barrera ay nahuli sa tirahan ng kanyang kaibigan sa Barangay San Jose, Antipolo City, noong Martes ng alas-11:00 ng umaga habang si Kurt Cavasal ay naaresto sa Barangay Sta Ana, Taytay, Rizal, alas-4:00 ng hapon at si Danny Boy Cancino ay naaresto sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon bandang alas-7:00 ng umaga.

Sina Barrera at Cancino ay nahaharap sa kasong droga habang si Cavasal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Ang mga naares­tong preso ay mahaharap sa karag­dagang kasong krimi­nal para sa kanilang pagtakas mula sa custodial faci­lity na dahilan din para sibakin sa puwesto ang dalawang nakatalagang jailer.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with