^

Police Metro

12-anyos nene, hinalay ng vendor

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 51-anyos na vendor ang inaresto matapos ireklamo ng panghahalay ng 12-anyos na estudyante na hinatak nito sa isang bakanteng lote, sa Taguig City, noong Miyerkules ng gabi.

Inihahanda na ang isasampang reklamong statutory rape o paglabag sa Republic Act 11648 laban sa suspek na si alyas “Tirso”, may-asawa, residente ng Tipas, Taguig City.

Pormal na naghain ng reklamo sa Violence Against Women and Children (VAWC) Desk ng Barangay Ibayo, Tipas, Taguig ang ina ng biktimang si alyas “Nene”, na residente ng Pasig City.

 Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng gabi ng Hulyo 31, 2024 nang maganap ang panggagahasa sa isang bakanteng lote sa HR Capistrano St., Brgy. Ibayo-Tipas.

Sa salaysay ng biktima ay naglalakad siya sa lugar nang tawagin ng suspek na agad namang lumapit upang itanong kung bakit.

Sa halip na sumagot ay hinila ng suspek ang biktima patungo sa bakanteng lote at doon diumano isinagawa ang panghahalay.

Nasaksihan diumano ng 9-na taong gulang na lalaking kapatid ng biktima ang pangyayari kaya mabilis na isinumbong sa kanilang ina na agad ding humingi ng saklolo sa nakasasakop na barangay.

Sinabi rin sa ulat na boluntaryo nang sumuko sa barangay officials ang suspek.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with