Seguridad ni Mayor Guo at iba pa sa kulungan, tiniyak ng Senado
MANILA, Philippines — Handa na ang detention facilities para kay suspended Tarlac, Bamban Mayor Alice Guo at mga kasama nito sa sandaling maaresto sila.
Ito ang tiniyak ni Senate President Francis “Chiz’ Escudero at kanilang seguridad sa kulungan sa Senado.
Maging si Senate Sergeant At Arms retired Lieutenant General Roberto Ancan ay inayos na ang lugar na pagkukulungan ni Guo at mga kasama sakaling maaresto na ang mga ito.
Matatandaan na nitong nakalipas na linggo ay naglabas ng arresto order ang Senado para kay Guo at iba pang personalidad dahil sa kabiguan nilang dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa ni-raid na POGO hubs sa Bamban, Tarlac na kung saan ang accountant ni Guo na si Nancy Jimenez Gamo ang naaresto.
- Latest