Digital IDs para sa overseas voters, ilalabas ng Comelec
![Digital IDs para sa overseas voters, ilalabas ng Comelec](https://media.philstar.com/photos/2024/07/10/voters-id_2024-07-10_21-01-26.jpg)
MANILA, Philippines — Nakatakdang magpalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng digital identification cards para sa mga botanteng Pinoy sa ibang bansa.
Sinabi ng Comelec na maaari ring gamitin ang digital voter’s ID bilang alternatibong ID para sa pagpaparehistro sa pilot internet voting sa May 2025 elections.
“Maliban sa passport, dapat meron silang nagagamit na isa pang valid ID. Ang naisip natin digital ID,” pahayag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia.
Ayon sa opisyal, mag-iisyu ang Comelec mga alituntunin sa pagkuha ng digital IDs sa Lunes, Hulyo 15.
Kasado ang pre-registration period para sa overseas voters na makikilahok sa internet voting mula Pebrero 12, 2025 hanggang Mayo 12, 2025, kung saan kinakailangang magsumite ng impormasyon at government-issued identification documents.
- Latest