^

Police Metro

Road rage: OFW sugatan sa pamamaril ng pick-up driver

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines —Isang driver ng puting pick-up ang tinutugis ng pulisya matapos nitong barilin ang isang sasakyan na kanyang nakaalitan at ikinasugat ng isa sa mga sakay nito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang paa at kanang hita ang biktimang si Kimrana Hamidul,38 isang Overseas Filipino Workers (OFW) ng Zamboanga City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) nangyari ang insidente, alas -6:00 ng gabi nitong Martes sa harap ng isang restoran sa Quezon Avenue, Brgy. Doña Josefa, Quezon City.

Nabatid na sakay ang biktima ng Toyota Vios patungo sa direksiyon ng QC Circle kasama ang limang iba pa kabilang ang dalawang menor de edad nang bigla na lamang silang banggain ng pick-up na Nissan Navara at natanggal ang side mirror ng kanilang sasakyan.

Sa halip na huminto ay umarangkada pa rin ang driver ng pick-up kaya hinabol ito ng sasakyan ng mga biktima at nang maabutan sa tapat ng restoran ay hinarang nila ang pick-up.

Biglang bumunot ng baril ang driver at pinaputukan ng ilang beses ang sasakyan ng mga biktima na nagresulta sa pagkakasugat ni Hamidul.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patu­ngong Araneta Ave.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with