Act Agri-Kaagapay namigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Tondo

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Act Agri-Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa Tondo, Manila kamakailan.

Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa pagkakaloob ng mga relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo, Manila noong Hunyo 17, 2024. Nabatid na bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng mga groceries, bottled water, pagkain at mga gamot.

Nakikipag-ugnayan na rin si Rodriguez, na founder at pangulo ng Act Agri-Kaagapay organization, sa mga local government officials sa National Housing Autho­rity (NHA) upang i-assess ang pangangailangan ng mga pamilya na kuwalipikado sa housing assistance.

Nangako rin siya na magkakaloob ng livelihood assistance sa mga apektadong pamilya upang matulu­ngan ang mga ito na makabangon mula sa kasaluku­yang problemang kinakaharap dahil sa naganap na sunog. Ang iba pang mga aktibidad ng ACT Agri Kaagapay ay maaaring makita sa kanilang Facebook page na Queen Vi Rodriguez.

Show comments