1-2 bagyo, papasok ngayong Hunyo – PAGASA
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminsitration (PAGASA) na inaasahang isa hanggang dalawang bagyo ang maaaring tumama sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa PAGASA, oras na pumasok sa bansa ang dalawang bagyo, ito ay papangalanang bagyong Butchoy at bagyong Carina.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na ngayong Linggo ay wala pa namang namamataang bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of responsibility (PAR).
Mayroon lamang na isang bagyo sa labas ng PAR ang namataan ng PAGASA na si Tropical Storm Maliksi pero wala naman itong direktahang epekto sa bansa.
Patuloy namang maulap ang kalangitan na minsa’y pag-ulan na inaasahan sa buong bansa dahil sa easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean.
- Latest