Fishing tycoon na si Laurel Jr. hinirang bilang bagong DA chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr. para mamuno sa Department of Agriculture (DA) matapos ang mahigit na isang taon ng pamumuno ng una.
Pagmamay-ari ni Laurel ang Frabelle Fishing Corporation, isang kumpanya ng pangingisda na nagsusuplay ng mga sariwa, frozen, at naprosesong produkto ng pagkaing-dagat sa mga lokal at internasyonal na merkado.
“I am very happy to have been able to announced the new appointment of one of the most important departments in our government at ito parang, isinama na natin na ang pagtingin natin sa private sector ay partner sa lahat ng mga ating gagawin,” pahayag ni Marcos.
Bago ang pagkakatalaga kay Laurel bilang hepe ng DA, siya ay bahagi ng grupo ng agrikultura ng Private Sector Advisory Council na tumutulong sa pamahalaan na tugunan ang mga isyu sa seguridad sa pagkain.
Ang pagtatalaga kay Tiu ay sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin, kabilang ang mga produktong pang-agrikultura, dahil ang inflation rate ay bumilis sa 6.1% noong Setyembre.
- Latest