4 PNP ranking officials binalasa

MANILA, Philippines — Apat na ranking police officials ang kasama sa pinakabagong balasahan ng Philippine National Police (PNP).
Nakasaad sa unit reassignment na pirmado ni Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) chief PMajor Gen. Robert Rodriguez epektibo ang balasahan kahapon.
Si PCol. Arnold Ibay, na dating nasa Office of the Chief PNP ang papalit kay PBrig.Gen. Andre Dizon bilang MPD Director.
Mula sa pagiging MPD Director, itinalaga naman si Dizon bilang Acting Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service.
Pinalitan ni Dizon si PBrig. Gen Niño David Licos Rabaya na pinuwesto naman bilang Acting Deputy Director for Comptrollership.
Itinalaga naman si PCol. Danilo Alamban Bacas bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional 10. Si Bacas ay mula sa Directorate for Communications and Technology Management (DCTM).
Muli namang nilinaw ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., na ang kanyang ginawang balasahan sa mga senior officers ay bunsod ng bakanteng puwesto na iniwan ng mga nagretirong mga opisyal.
Sinabi pa ni Acorda na asahan uli ang balasahan sa susunod na dalawang linggo dahil sa pagreretiro ng tatlong senior officers.
- Latest