^

Police Metro

Mag-utol na paslit nilaslas ang leeg, nanay naglaslas din

Cristina Timbang - Pang-masa
Mag-utol na paslit nilaslas ang leeg, nanay naglaslas din
Sa imbestigasyon ni P/Corporal Kervi G Lopez, alas-9:40 ng umaga ay  natu­tulog pa ang magkapatid nang sila ay lapitan ng ina na may dalang cutter at nilaslas ang mga leeg nito.
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag­pakapatid na 4 at 3-anyos nang laslasin ang kanilang leeg ng cutter ng kanilang ina at pagkatapos naglaslas din naganap sa loob ng ka­nilang bahay sa Sitio Ka­­laanan, Brgy. Pacheco, Magalla­nes, Cavite.

Kinilala ang magkapatid na duguang nakahandusay sa kanilang silid na sina Hope Julian Tapang, 4; at Clavy Jay Baniaga Tapang, 3.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang suspek na kanilang ina si Cla­risse Tapang, 26, walang trabaho at residente din ng nasabing lugar maka­raang maglaslas din ito sa leeg pagkatapos pa­­tayin ang mga anak.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Kervi G Lopez, alas-9:40 ng umaga ay  natu­tulog pa ang magkapatid nang sila ay lapitan ng ina na may dalang cutter at nilaslas ang mga leeg nito.

Nang makitang duguan ang mga anak ay agad ding nilaslas nito ang sa­ri­ling leeg.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, depresyon ang hinihinalang motibo hinggil sa madaming problemang kinakaharap at sa kahirapang dinadanas ng suspek na kasaluku­yang inoobserbahan sa pagamutan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with