Tigil-pasada ng Manibela ‘di ramdam

Nagsagawa ng protesta ang transport group MANIBELA sa kahabaan ng East Avenue,Quezon City na bahagi kahapon ng kanilang tigil-pasada dahil sa umano’y nagaganap na korapsyon sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB).
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Everything is normal.”

Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. kaugnay ng isinagawang transport strike ng Manibela kahapon.

Ayon kay Abalos, wala namang epekto sa Metro Manila at halos hindi naramdaman ng mananakay ang transport strike alinsunod na rin sa ulat ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, wala naman silang na-monitor na lugar sa Me­tro Manila na labis na naparalisa ng transport strike.

Idinagdag din ni Artes na hindi sila nagsuspinde ng number coding kahapon upang masigurong magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Idinagdag pa ni Abalos, nakatulong ang hindi pag­lahok ng Magnificent 7, na kinabibilangan ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, PISTON, Alliance of Concerned Transport Organization, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Stop and Go, at Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas.

Show comments