^

Police Metro

ICC dedesisyunan apela ng Pinas vs drug war probe sa Hulyo 18

Danilo Garcia - Pang-masa
ICC dedesisyunan apela ng Pinas vs drug war probe sa Hulyo 18
Photo dated Aug. 10, 2022: Philippine Drug Enforcement Agency-NCR agents inspect plastic bags containing a supected 500 grams of shabu with an estimated value of P3.4 million during an operation in Agham Road in Quezon City.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpataw na ng desisyon ang appeals chamber ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na ihinto na ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’ na ikinasa sa administrasyon ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“Judgment in the above appeal will be delivered in open court on Tuesday, 18 July 2023 at 10h00,” pahayag ng appeals chamber.

Sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon sa drug war noong Nobyembre 2019 makaraang magprisinta ang gobyerno ng Pilipinas na magsasagawa ng sari­ling imbestigasyon ukol sa libo-libong napaslang sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Ngunit nang matagpuan na hindi umano sapat ang ginawang imbestigasyon at prosekusyon ng gobyerno ng Pilipinas, itinakda ng ICC pre-trial chamber na ituloy ang kanilang imbestigasyon nitong nakaraang Enero. 

Dito umapela noong Marso ang Pilipinas sa ICC na baligtarin ang kanilang desisyon kung saan iginigiit na walang hurisdiksyon ang tribunal sa bansa makaraang bumitiw na ang Pilipinas sa pamumuno ni Duterte sa Rome Statute noong Marso 17, 2019.

Ibinasura ito ng ICC nitong Marso 27.

Samantala, sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na palaging may posibilidad na ma-indict ang sinuman kung may sapat na ebidensya ang mga prosecutor ng ICC ukol sa mga pagpaslang na nangyari kaugnay ng pag­laban sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

“If it is dismissed, the ICC prosecutor will be authorized to resume his investigation into the Phi­lippine situation and he may indict certain individuals based on whatever evidence he may be able to gather,” saad ni Guevarra.

Sa opisyal na tala ng gobyerno, nasa 6,200 ang nasawi sa mga ikinasang police operations noong panahon ni dating Pa­ngulong Duterte, habang sa tala naman ng mga human rights groups ay aabot umano ito sa 12,000 hanggang 30,000.

Ngunit iginiit ni Guevarra, dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), na patuloy ang mga institusyon ng bansa sa imbes­tigasyon at prosekusyon laban sa mga pag-abuso sa mga police operations.

“We can discharge this responsibility with or without the ICC,” giit niya.

Pero naniniwala pa rin si Guevarra na malaki ang tsansa ng Pilipinas na makakuha ng patas at paborableng desisyon sa ICC tribunal.

DRUG WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with