Singil sa kuryente bababa ngayong Hulyo
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Manila Electric Co. (Meralco) na magkakaroon ng bawas sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Sa abiso, sinabi ng Meralco na bababa ang kanilang power rates ng P0.7213 per kilowatt-hour (/kWh), na magpapababa naman sa overall rate para sa isang tipikal na tirahan sa P11.1899/kWh mula sa P11.9112/kWh noong nakaraang buwan.
Katumbas ito ng P144 na bawas sa kabuuang electricity bill sa residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh.
Ito ay kasunod ng pagbaba din ng generation charge sa P0.6436/kWh patungong P6.6066/kWh, na nagmamarka sa ikalawang sunod na buwan ng pagbaba nito.
Bumaba rin ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) mh P2.6597/kWh, ang mga galing sa power supply agreements (PSAs) ng P0.3915, at independent power producers sa P0.4658.
Nakapagtala rin ng pagbaba sa transmission charges at iba pang singil, katulad ng tax at subsidy, sa net reduction na P0.0777/kWh.
- Latest