^

Police Metro

2,714 biktima ng human trafficking nasagip sa POGO hub

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2,714 biktima ng human trafficking nasagip sa POGO hub
Sinalakay kahapon ng mga miyembro ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang gusali sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City na pinaniniwalaang isang POGO na kung saan ang mga trabahador dito na mga Pinoy at ibang banyaga ay biktima ng human trafficking.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang nasa 2,714 indibidwal na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking kasunod ng ikinasang raid sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) firm sa Las Piñas City, kahapon ng mada­ling araw.

Ikinasa ng NCRPO Joint Police Task Force, sa pangunguna ni Deputy Regional Director for Ope­rations Brig. Gen. Jack Wanky at Anti-Cybercrime Group Deputy Director for Operations, Col. Villammor Tuliao, ang search and seizure warrants para sa computer data sa isang pogo hub sa 501 Alabang-Zapote Road, Almanza Uno, Las Piñas City.

Kinilala ng pulisya ang may-ari, maintainer­, facilitator at manager ng Xinchuang Network Technology Inc., dating “Hong Tai,” ay sina Quiha Lui, Liangfei Chen, Jimmy Lin, at Abbey Ng.

Kabilang naman sa incorporators ng Xinchuang Network Techno­logy Inc. ay sina Danica Andres Mensah, Oliver Ong, Divina Trillanes, at Daisy Vidal Cidro.

Isinilbi ang mga warrant para sa hinihinalang paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Sa inisyal na datos ng NCRPO, nasa 1,528 ang mga manggagawang Pinoy na nasagip habang 600 naman sa mga nasagip ay mula sa China, 183 mula sa Vietnam, 137 mula Indonesia, 134 mula Malaysia, 81 mula Thailand, 21 mula Taiwan, pito mula Nigeria, lima mula Singapore, lima mula Myanmar, apat mula Yemen, dalawa mula Pa­kistan, dalawa mula Africa at tig-iisa mula India, Somalia, Sudan, Cameroon at Iran.

Karamihan sa mga dayuhan ay umamin na na-recruit sila sa pamamagitan ng mga post sa social media. - Danilo Garcia

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with