^

Police Metro

SUV vs 22-wheeler truck: 5 utas

Omar Padilla - Pang-masa
SUV vs 22-wheeler truck: 5 utas
Mistulang nayupi na parang lata ang harapan ng isang SUV nang masalpok ng trailer truck kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Doña Trinidad Highway, Baliwag, Bulacan, na ikinasawi ng lima at pagkasugat ng dalawang iba pa na sakay ng SUV.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang limang sakay ng isang sports utility vehicle (SUV) na tatlo dito ay Korean national­ habang 2 ang nasugatan nang makabang­gaan nito ang isang 22-wheeler truck sa Brgy. Sabang, Baliwag City, Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang limang nasawi na sina Miseon Kim; Park Misoon; at Jinoh Kim, pawang Korean national; Rosalinda Capinlac; at Allen Arucan, kapwa residente ng Brgy. Poblacion, Talavera, Nueva Ecija.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Bulacan Me­dical Center ang dalawang nasugatan na sina Geraldine Capinlac; at Theresa Adio, kapwa ng Talavera, Nueva Ecija na nagtamo ng mga galos at sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente, alas-2:00 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng isang Toyota Fortuner (AVA 9888) at binabagtas ang kahabaan ng Doña Remedios Trinidad highway patungong Baliwag City nang salpukin ng isang 22-wheeler truck (NEG-7896) na minamaneho ni PJ Calma patungong San Rafael.

Ayon sa mga otoridad, nawalan umano ng kontrol ang manibela ng nasabing truck kung kaya’t pumaka­bila ito sa linya ng sasakyan ng mga biktima na nagresulta sa head on collission.

Sa lakas ng impact ay tila nayuping lata ang harapan ng sasakyan ng mga biktima na agad ikinasawi ng limang sakay nito.

Naaresto naman ang driver ng nasabing truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury, multiple homicide and damage to property. - Doris Franche-Borja

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with