^

Police Metro

LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay sa mga obrero ngayong Labor Day

Mer Layson - Pang-masa
LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay sa mga obrero ngayong Labor Day
Commuters board and alight the LRT-2 train at various stations in Quezon City and Manila on March 5, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ngayong Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa ay pagkakalooban ng libreng sakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang mga manggagawa.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang free rides sa LRT-2 at MRT-3 ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

Sinabi ni Aquino na upang mai-avail ang ­libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga manggagawa na magprisinta ng Company ID o Government-issued ID.

“We welcome wor­kers aged 18 years old and above to enjoy this special treat,” ani Aquino.

“We understand the importance of your hard work and dedication to our country’s growth and development, especially during these challenging times,” dagdag pa ni Aquino.

Sinabi ni Aquino na umaasa silang ang simpleng gesture na ito ay mag­hahatid ng kaligayahan sa araw ng mga manggagawa.

Nabatid na ipinagkaloob ang free train rides sa mga nasabing rail lines kasunod na rin ng kahili­ngan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista na bigyang pagkilala ang kontribusyon at achievements ng mga hardworking Filipino workers sa buong bansa.

LRT-2

MRT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with