DILG bubuo ng El Niño team kapalit ng El Niño Task Force 

MANILA, Philippines — Bubuo ang Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) ng team na nakasentro sa paglalatag ng mga solusyon sa El Niño phenomenon.

Ayon kay Director Allan Tabel ng DILG, inatasan sila ng Pangulong Ferdinand Marcos jr na bumuo ng El Niño Team para maiwasan ang current setup ng kasalukuyang  El Niño task force  na pinangangasiwaan ng  National Economic Development Authority (NEDA).  Ang Neda ­­El niño Task Force anya ay dapat nang mabuwag sa pagbubuo ng El niño team ng DILG.

Sinabi ni Tabel  na ang  NEDA, batay sa kanilang pag-uusap sa ibang opisyal ay naka-focus sa  rehabilitasyon at post-impact ng El niño .

“Aralin nila ang strategy kung tama ba, basic naman ang utos ng Presidente. And he suggested team El Niño to be the main. Ang utos ng Pangulo, gumawa ng team El Niño para makagawa na rin ng estratehiya,” sabi ni Tabel.

Ani Tabel ang El Nino team ay pangangasiwaan ng DILG kasama ang Office of Civil Defense at Department of Agriculture gayundin ng ilang experts sa enerhiya at iba pa at ang PAGASA bilang main agency ng team.

“Probably, and ho­nestly, we expect within the next 10 days from today na maaprubahan ang abolition ng El Niño task force at creation ng team El Niño,” dagdag ni Tabel.

Show comments