^

Bansa

Listahan: Metro Manila cities na meron (at walang) 'COVID-19 liquor ban'

James Relativo - Philstar.com
liquor ban
A store attendant prepares for temporary closure of the liquor store along Timog Avenue in Quezon City on Monday, March 15, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Takbuhan mo ba ang alak dahil stressed sa isang taong coronavirus disease (COVID-19) quarantine mula Marso 2020? Nalalapit na ba ang birthday mo o mahilig lang uminom? Nako, bawal muna tumoma at magbenta ng alak sa publiko sa ilang Metro Manila cities at municipality bilang tugon sa pandemya.

Nangyayari ito ilang araw matapos irekomenda ng OCTA Research Team sa mga local government units (LGUs) kasunod na rin ng pagsipa sa bagong COVID-19 cases sa Pilipinas.

Kanina lang nang umabot sa 5,404 ang bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas — ang ikaapat na pinakamataas na pagtalon ng infection sa iisang araw lang sa kasaysayan ng Pilipinas.

Basahin: Bagong hawa ng COVID-19 sa 'Pinas nasa 5,404, pinakamalala mula August 14

Saan ito ipatutupad?

  • Quezon City (simula ika-15 hanggang ika-31 ng Marso)
  • San Juan (simula ika-15 ng Marso)
  • Mandaluyong (simula ika-15 hanggang ika-31 ng Marso)
  • Parañaque (simula ika-15 hanggang ika-31 ng Marso)
  • Pateros, technically isang munisipyo (simula ika-13 hanggang ika-31 ng Marso)
  • Malabon (simula ika-15 ng Marso hanggang ika-3 ng Abril)
  • Muntinlupa (simula ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril)
  • Valenzuela (simula ika-16 ng Marso hanggang ika-1 ng Abril)

Anong penalty? Iba't ibang klaseng parusa ang ipapataw sa mga lalabag dito depende kung saan nangyari ang violation. Ang ilang negosyo, pwedeng suspendihin/kanselahin ang business permit to operate para sa mga paglabag habang ang mga indibidwal ay pwedeng pagmultahin ng hanggang P5,000.

Wala pa namang balita kung may ban sa: Maynila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Marikina, Navotas, Pasay, Pasig at Taguig.

Kinumpirma kanina ng Manila Public Information Office sa mga reporters na pa magpapataw ng liquor ban sa kabisera ng Pilipinas sa ngayon: "Wala pong liquor ban sa Manila," wika ni Julius Leonen, hepe ng Manila PIO.

Alak? COVID-19? Anong kunek?

Una nang sinabi ng OCTA Research Team na makatutulong ang mga nasabing restriction para sunod sa mnimum health protocols ang madla, bagay na magpapababa daw sa COVID-19 infections.

Pero anong sinaabi ng mga eksperto riyan? Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na dapat munang iwasan ang pagkonsumo ngayon ng alcohol dahil na rin sa pagpapahina nito sa resistensya ng katawan.

"Avoid alcohol altogether so that you do not undermine your own immune system and health and do not risk the health of others," sabi ng WHO-Europe.

"Stay sober so that you can remain vigilant, act quickly and make decisions with a clear head, for yourself and others in your family and community."

Dagdag pa nila, napahihina nito ang kapasidad ng katawan na labanan ang mga nakahahawang sakit. Kung iinom man daw, iminungkahi ng WHO na panatilihin ito sa "minimum" o iwasan ang paglalasing.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), Lunes, umabot na sa 626,893 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. 12,837 sa bilang na 'yan ang binawian na ng buhay.

ALCOHOL

LIQUOR BAN

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with