^

PSN Palaro

Blatche kaagad sumabak sa ensayo ng Gilas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Kagagaling lang mula sa pagbabakasyon sa Atlanta

MANILA, Philippines - Tiyak na napawi na ang agam-agam ni Gilas Pi­lipinas head coach Chot Re­yes tungkol kay natura­lized player Andray Blatche.

Kahapon ng umaga ay dumating sa bansa ang 6-foot-10 na si Blatche mula sa Atlanta, USA at kaagad na sumama sa ensayo ng Gi­las Pilipinas sa Meralco Gym.

Kamakailan ay ikinainis ni Reyes ang kabiguan ng NBA veteran na dumating nang mas maaga para sa paghahanda ng Nationals sa darating na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Championships na nakatakda sa Mayo 12-18 sa Smart Ara­neta Coliseum.

Inisip na ni Reyes na ta­pikin si Blackwater import Greg Smith para ma­ging ikalawang naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Sa pagdating ni Blatche ay nawala na ang hinanakit ni Reyes sa dating forward ng Brooklyn Nets sa NBA.

Inihayag ni Reyes ang twice-a-day practice na ga­gawin ng Nationals simula ngayon para paghandaang mabuti ang SEABA.

Ang magkakampeon sa nasabing torneo ang mag­lalaro sa FIBA Asia qualifier na gagawin sa Bei­rut sa Agosto 10-20.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Myanmar sa pag­bu­bukas ng SEABA.

Sa mga kasali sa SEABA ay ang Indonesia ang lu­bos na tinututukan ng Gi­las Pilipinas.

Ipaparada ng Indonesia ang kanilang naturtalized pla­yer na si Jamarr Johnson ng Widener University.

Ang 6-foot-5 na si Johnson ay kinilalang Rookie of the Year at Most Valuable Pla­yer sa regular season at playoffs ng Indonesian league.

CHOT RE­YES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with