^

PSN Opinyon

Tulungan natin ang mga magsasaka

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA tingin ko, kailangang tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka sapagkat kulang sila sa binhi at abono kaya hindi gaanong maganda ang kanilang mga ani. Ang isa pang problema ay binibili na ng mga developer ang kanilang mga lupang sinasaka at ginagawang condominium at subdivision. Sana naman ay mapansin ng ating gobyerno ang pangunahing problema ng mga magsasaka dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay at dito rin nila napagtatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Halos lahat tayong mga Pinoy ang pangunahing kinakain ay kanin. Ako mismo, hindi makakain nang mahusay kung walang kanin. Marami sa ating mga kababayan ay malakas kumain ng kanin lalo na ‘yung mga banat sa trabaho. Kaya napakaimportante ng kanin sa ating buhay. Dapat ganundin sa mga magsasaka na protektahan sana sila ng gobyerno para mapaunlad nila ang kanilang ani sa bukid para hindi na natin kailangang umangkat ng bigas sa ibang bansa.

Naalala ko pa nung aking kabataan, tayo ang pinakamodelo ng ibang bansa pagdating sa bigas. Maunlad ang ani ng mga magsasaka nung araw dahil meron tayong International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños Laguna at meron din tayong Phil. Rice sa Nueva Ecija. Ang ating bansa dati ang nag-eexport ng bigas sa Asia. Ngayon, nakakalungkot dahil tayo na ang umaangkat ng bigas sa ibang bansa. Ang dapat gawin ng gobyerno ay pahirapan yung mga tinatawag na middle men at yung mga developers na bumibili sa mga bukirin.

Tama ang ginawa ni President Digong, pinahinto niya ang pag-angkat ng mga bigas sa ibang bansa para naman kumita ang ating mga magsasaka o mabawi nila ang kanilang nagastos. Mabenta sa tamang presyo ang kanilang mga ani.

 

MAGSASAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with