fresh no ads
ADVICE: Stupid love | Philstar.com
^

Supreme

ADVICE: Stupid love

SPORTING CHANCE - Antoinette Jadaone, Chinggay Nuque - The Philippine Star
ADVICE: Stupid love
Illustration by Rob Cham

Dear Tita Witty,

 

Sana po bigyan nyo ako ng magandang payo. For almost four years, mahal ko pa rin ang first BF ko.

 

Naging kami noong 2011. Eighteen ako noon. Nilagawan niya ako for 10 months, at nagtagal kami nang eight months. Long-distance relationship po kami. Nagkikita kami every school break, kapag umuuwi ako sa probinsiya at doon niya ako dinadalaw halos every day. Nakipag-break siya sa dahilang hindi na raw niya kaya na LDR kami at magiging busy na raw siya, kesyo mawawalan daw siya ng time sakin at para makapag-focus sa pag aaral. Na-depress po ako. Hindi ako makakain nang maayos, naapektuhan ang pag -aaral ko, halos hindi ako lumalabas, inaaway ko mga kapatid ko hanggang sa napabayaan ko na ang sarili ko. Namayat ako at hindi na marunong mag-ayos ng sarili pero tuloy pa rin ang buhay ko, nawalan lang ng kulay.

After almost a year, nakapag-move on na ako. Tumatanggap na ako ng suitors pero hanggang dun lang, wala akong sinasagot. Saka siya nagparamdam ulit. Bumalik ang communication namin. Parang kami ulit pero hindi official. Nagtagal ito nang one year hanggang sa may nanligaw sakin  na nagustuhan ko. Sinabi ko ‘to sa ex ko dahil inaasahan kong sabihin niyang siya ang piliin ko at hindi yung manliligaw ko. Pero hindi. Ang gusto niya, may communication pa rin kami kahit na sagutin ko yung manliligaw ko. Pinili ko yung manliligaw ko pero hindi kami nagtagal. Nasaktan na naman ako pero mabilis lang akong naka-move on.

May communication pa rin kami ng first BF ko, pero kamustahan lang ng birthday, graduation, etc. Hanggang sa may nakita akong graduation picture niya na babae ang nag-post at parang may something sa caption so nakadama ako ng selos. Lalo na nung nakita kong same silang nagpalit ng wallpaper na picture nilang dalawa. Dun ako lalong nagselos at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Sa totoo lang parang mahal ko pa rin siya. 

Tita Witty, ang tanga ko ba dahil pinakawalan ko ang taong mahal ko? Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw, magkakabalikan kami. Ako yung taong nagmahal, nasaktan at patuloy pa ring nagmamahal kahit na alam kong may iba na siya. 

Thanks for reading my story.

Love,

Hopia Girl

Dear Hopia Girl,

Oo, ang tanga mo para pakawalan ang taong hindi ka naman masyadong gusto. Sayang. Kung ipinaglaban mo siya, sana ngayon… hindi ka pa rin niya masyadong gusto.

Seriously, hindi mo siya pinakawalan nung tinapos mo kung ano man ang meron kayo, dahil hindi naman talaga siya nagpahuli. Delikado talaga ‘yang mga “parang kami pero hindi official” na setup. You’re setting yourself up for a heartbreak. It’s just like not having a contract — when things go wrong, ikaw ang talo. Kaya next time ‘wag ka nang papayag  sa ganun, ha?

Akala ko nung una ang sabi mo ay “…hindi na marunong mag-ayos… nawalan lang ng kilay.” Buti naman at “kulay” pala. Dahil ito ang tandaan mo: Kapag iniwan ka (hindi ko naman sinasabing may next time, pero just in case), hindi ka pwedeng pumangit. Hindi pwedeng mukha kang miserable dahil lang nawala siya. At lalong hindi pwedeng mawalan ng kilay! Dapat laging on fleek!

Mahirap gawin, pero subukan mong huwag nang umasa. Mahirap ding makita sa ngayon, pero makakalimutan mo rin siya. Huwag mo na siyang i-stalk sa Facebook at huwag ka na ring mag-chat kahit pa may special occasion. Huwag ka na ring pumunta sa mga lugar na makapagpapaalala sa’yo sa kanya. At higit sa lahat, huwag kang matutulog nang basa ang buhok, at huwag na huwag magwawalis sa gabi.

xoxo,

Tita Witty

* * *

Supreme readers! Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to .

ADVICE

Philstar
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with