fresh no ads
Thank you, Nanay! | Philstar.com
^

Sunday Lifestyle

Thank you, Nanay!

Richard H. Mamuyac - The Philippine Star

MANILA, Philippines - It was only recently that I read the book Nanay Coring: The Story of National Bookstore’s Socorro Ramos by Yvette  Fernandez.  I was inspired by how a poor young girl overcame poverty and eventually founded the largest bookstore chain in the country today. Her passion to succeed and big dreams were her secret to accomplish what once seemed to be an unreachable star.

I felt a pinch in my heart and was just moved while I read the book. Memories of the days when my Nanay Conchit and I would go to National Book Store at EDSA-Crossing, which was then housed in another building near its present location, to buy school supplies started hitting me from left to right.

I can still remember our jeepney rides going to this store, the reaction on my face the very first time I saw the  many books on the second floor and my first escalator ride.

I am proud to be Laking National Book Store. And my own nanay was the one who introduced me to one of my favorite stores in the world. NBS will forever be my candy shop. 

Last Mother’s Day, I told myself that I wanted to do something special for my Nanay Conchit.  I would cook tinola for her, something she does for me every time I am down sick or when I am experiencing a sad episode in my life, and every sip of her wonder soup lifts up my spirit and brings a smile to my face.

I also wrote her a letter in Tagalog.

Dear Nanay,

Huwag ka sanang magtaka kung bakit sinulatan kita. Wala po akong mabigat na problema, uunahan ko na po  kayo.  Magwa-walong taon na yata ang nakalipas ng huli kitang sinulatan noong nagta-trabaho pa ako sa ibang bansa.

May mga bagay lang kasi akong gustong aminin sa inyo na dapat ay matagal ko nang nasabi.

Ito na siguro ang tamang pagkakataon dahil malapit na ang Mother’s Day. Nay, hindi mo alam ito pero nung elementary po ako, tinanong ako ng teacher ko kung ano ang trabaho mo. Ang sabi ko isa kang businesswoman pero di ko binanggit na pagtatahi ng basahan ang negosyo mo. Mayabang kasi yung katabi ko at palagi sinasabi manager sa pagawaan ng kotse yung mommy niya. E tuwing Christmas party, mas maganda naman ang suot kong damit kesa sa kanya.

Tapos nung high school, napag-usapan naming magkaka-klase kung ano ang natapos ng mga nanay namin. Ang sabi ko undergrad ka pero di ko na binanggit na hanggang grade 5 lang inabot mo. Ako kasi nag-top sa buong batch naming sa  o NCEE. Baka sabihin nila nangodiko lang ako o tsamba lang yun.  E, magaling naman talaga kayong mag-review sa akin diba?

Nung college ko naman, may naghahanap sa inyo kung kelan daw kayo makikilala ng mga barkada ko kasi hindi ko daw kayo iniimbitahan sa awarding ceremonies ng mga essay contest na aking pinagwagian. Kayo na din kasi nagsabi na baka pagsalitain kayo sa stage ng ingles e bilang lang kamo sa daliri ang English words na alam nyo.  Binabati ko naman kayo sa mga acceptance speeches ko bilang inspirasyon sa aking mga gawa.

Aminin ko man o hindi, pero hindi ko po kayo naipagmalaki sa ilang bagay bilang aking ina. Ngunit nais kong linawin na hindi ito nangangahulugan na ikinakahiya ko kayo. Marahil noong mga panahong iyon ay inaakala kong nararapat ang aking mga nagawa sa nasabing sitwasyon.  Ngayon po ay nais kong isigaw sa buong mundo ang lubos kong pasasalamat sa inyo!

Salamat po na mula sa paggawa ng basahan ay nagawa n’yong bilhan at bihisan ako at ang aking mga kapatid ng maaayos na kasuotan. Salamat po na kahit di kayo nakatapos ng elementarya ay nakagawa kayo ng paraan at nairaos n’yo akong makapagtapos sa kolehiyo.

Salamat po at kahit hindi kayo magaling mag-ingles ay naituro nyo sa akin ng wasto ang ABC na siyang naging pundasyon ko bilang isang manunulat. Nanay... nais kong lagi n’yong isaisip at isapuso ang mga salitang ingles na ito na hindi mo man madalas marinig sa akin ay alam kong maiintindihan ninyo, Ilove you so much, Nanay Conchit!

My nanay might shed some tears reading this letter.  I just know. She cries over sad movies and  soap operas. So just to lighten up the mood, I prepared some original pick-up lines especially dedicated to my ever dearest mother.

Nay, Dictionary ka ba? Kasi, you give meaning to my life.

Ruler ka ba? Palaging pantay kasi ang trato mo sa aming magkakapatid.

Eraser ka ba? Nabubura kasi ang lungkot ko kapag nakikita kitang nasaya ka.

Bag ka ba? Hindi ko alam kung paano mo napagkakasya ang maliit mong kita sa pagtitinda.

Crayola ka ba? Ikaw kasi ang nagbigay ng kulay sa mundo ko.

We should show how grateful we are for what our mothers have done for us…every day.

THIS WEEK’S WINNER

Richard H. Mamuyac is the communications specialist of the People Management Association of the Philippines (PMAP) and also does freelance writing. He graduated from the University of the East with a degree of AB Communication Arts. He blogs at Astig Machismis and Mapanghingi ka ba?

 

 

 

 

 

ASTIG MACHISMIS AND MAPANGHINGI

COMMUNICATION ARTS

CONCHIT AND I

KASI

KAYO

NANAY

Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with