^

PSN Showbiz

Sharon, pinagmalaki ang S na galing kay KC

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon, pinagmalaki ang S na galing kay KC
Kiko Pangilinan at KC Concepcion

Suot na ni Sharon Cuneta ang ginawang solid gold, diamonds & pink sapphires necklace ni KC Concepcion for her.

Sabi ni KC, galing ito sa ‘signature’ collection ng kanyang Avec Moi Je­welry na ang pendant ay letter “S.”

Proud si Sharon sa necklace at kasama ito sa caption ng picture nila ng asawang si Kiko Pangilinan. “Baaat of kors! You gave it to meee @kristinaconcepcion.”

Na-highlight ang ganda ng necklace sa suot ni Sharon na black long-sleeved shirt.

Bukod dito, ang pagpayat ni Sharon ang pinapansin ng fans. Ang da­ming nagulat at ang iba, ginawa siyang inspirasyon para magbawas din ng weight, lalo at sinabi nito na natural ang kanyang pagpayat at hindi siya dumaan ng surgery.

Nakuha na siguro ni Sharon ang formula kung paano magpapayat, kaya kampante ito na kumain ng mala­king slice ng cake sa kanyang coffee break.

Pamilya Legaspi, susubok sa drama

Sama-sama ang Legaspi family sa bagong series ng GMA 7 na Hating Kapatid.

Bida nga sina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel at ang kambal nilang sina Mavy at Cassy Legaspi. Sa direction ito ni Adolf Alix, Jr. at airing this year.

Tama ba kaming first time na magkakasama ang Legaspi family sa isang series? Hindi kaya ma-conscious umarte sina Mavy at Cassy, lalo na kung sa mga drama scene dahil kilala ang husay ng kanilang mga magulang.

May nag-comment na ewan kung nagbibiro lang, bakit daw hindi isama sa cast si Kyline Alcantara at bigyan ng bida-kontrabida role? May nag-comment pa na alam mong sine-shade si Kobe Paras. Ang linis daw tingnan ni Mavy na alam mo agad na si Kobe at ang mga tattoo nito ang gustong tukuyin.

May nag-suggest pa na sana si Michael Sager ang ipareha kay Cassy dahil nali-link naman ang dalawa at may chemistry sila. Saka, close si Michael sa Legaspi family at parang kapatid ang turing ni Mavy sa kanya.

Ang maganda pang suhestiyon, sana si Ashley Ortega ang ipareha naman kay Mavy para mas natural ang kilig.

Sa suhestiyon na isama si Kyline, malabo ito dahil may gagawin silang series ni Barbie Forteza at this year din ang airing. Sina Michael at Ashley naman, pareho pa silang nasa Bahay ni Kuya, maliban na lang kung ma-evict sila bago magsimula ang taping.

Mga kapuso, makikipag-bonding

Isang masaya at malakihang Meet and Greet ng cast ng GMA Drama at GMA Prime series ang magaganap sa March 30, 3 p.m., sa SM City Manila. Pasasalamat ito sa Kapuso viewers sa patuloy nilang suporta sa series sa hapon at sa primetime.

Makikipagsaya sa fans sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, Royce Cabrera, at Derrick Monasterio ng Slay. Join sa meet and greet sina Allen Ansay at Sofia Pablo ng Prinsesa ng City Jail. 

ACTRESS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->