Death threat, nakakaloka!
Usap-usapan sa buong mundo ang death threat na ginawa ni VP Sara Duterte kay Presidente Bongbong Marcos, FL Liza Araneta Marcos, at Speaker Martin Romualdez.
Gulat ang lahat dahil first time yata na merong death threat sa isang sitting President.
Kaya naman talagang malaking balita sa buong mundo.
Napaka-gentleman ni PBBM na hindi kaagad nagbigay ng negative reaction sa balitang ito bagama’t sinabi niyang hindi niya ito palalampasin.
‘’Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan?’’ sabi ni Papa Bongbong sa isang video statement.
At sabi pa niya, ang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. “‘Yan ay aking papalagan,’’ dagdag niya.
‘’Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang. Tapos na sana ang usapang ito kung tutuparin lamang ang sinumpaang panata na bilang lingkod bayan ay magsabi ng totoo, at hindi hahadlangan.
‘’Imbes na derechahang sagot, nililihis pa sa kuwentong chicheria,’’ sabi pa niya na posibleng pagkuha sa ‘Mary Grace Piattos,’ isang lagda na lumabas sa mga resibo sa mga confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).
Well, anuman sabihin nila, marami pa rin ang gusto ang pamamalakad ni PBBM. Gusto pa rin ng marami ang pagpapatakbo niya ng gobyerno. Minsan nga ay maaawa ka na sa nakikita mong pagod sa kanyang mukha.
At pati na sa kanyang mga close in cabinet tulad nila Usec Honey Rose hahanga ka sa pagiging kalma.
Hindi sila nagpapadala sa mga violent comment ng marami na kung tutuusin mo wala naman sense at parang mga shoot the moon comment lang.
Basta sumunod tayo sa ating leader, kaya siya ang pinili dahil alam natin na sa mabuti niya tayo dadalhin.
Whatever our leader decides, dapat sundin natin.
Bongga.
- Latest