^

PSN Palaro

Paalam Champ!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Paalam Champ!
Mervin Guarte

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang pa­kikiramay sa pagkamatay ni dating Southeast Asian Games gold medalist Mervin Guarte na pinagsasaksak ng hindi pa nakikila­lang salarin sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Nasa 33-anyos lamang si Guarte.

Kaya naman bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kasamahan nitong atleta gayundin sa ilang mga sports agencies at leaders.

Una na sa listahan si Tokyo at Paris Olympics veteran EJ Obiena na nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga social media accounts.

“I just learned the de­vas­tating news of the shocking death of my friend and National Teammate Kuya Mervin Guarte.  May his soul rest in peace, and I am sending my deepest condolences to his family and loved ones. What a tragedy.  Only 33 years old,” ani Obiena.

Sinariwa ni Obiena ang mga panahon na nakasama nito si Guarte sa natio­nal team noong bahagi pa ito ng athletics team kung saan sinamahan nito ng picture ang kanyang post.

May mensahe rin ang kapwa SEA Games champion nito na si Kyle Antolin.

“Today, I mourn the loss of a dear friend. Mangyan, Mervin Guarte, you were one of the best friends and kindest people I have met in my life,” ani Antolin.

May kani-kanyang post din sina Olympian boxer Eumir Marcial, boxer Adan Gonzales, obstacle champion Mark Julius Rodelas at ang Philippine Sports Commission.

Naging bahagi si Guarte ng national athle­tics team kung saan nanalo ito ng dalawang pilak — sa 800m at 1500m — sa 2011 Jakarta SEA Games at isang pilak sa 2013 Myanmar SEA Games sa 800m.

Lumipat si Guarte sa obstacle course kung saan nakasungkit ito ng ginto noong 2019 Manila SEA Games at 2023 Cambodia SEA Games.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with