^

PSN Palaro

Manila's Finest Golf Cup sa Disyembre 8

Philstar.com
Manila's Finest Golf Cup sa Disyembre 8
Ang mga organizers ng Manila’s Finest Golf Cup sa pangunguna ni P/Director General Pedro ‘Pete’ Bulaong (ret), kasama sina sina P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Col. Julius Castelo, P/Maj. Eduardo Villanueva (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Mario Magno, P/Maj/ Alicia Santos (ret), P/Maj. Ofelia Torres (ret), P/Maj. Lily Olayres (ret), Katherine Soledad at tournament director Darren Evangelista.

MANILA, Philippines — Magtatambal ang Antigong Maynila Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association Inc. (NMFRAI) sa pagdaraos ng Manila Fi­nest Golf Cup — isang fund-raising sports program — na naglalayong maisaayos at maipagawa sa isang modernong himlayan ang Libingan ng mga Pulis Maynila sa North Cemetery.

Target ng programa na makalikom ng P5 milyon bilang panimulang pondo para sa pagsasaayos ng tinaguriang Manila Police Plot at maipatayo ang modernong kolumbaryo at bone creep para sa mga namayapang pulis Maynila.

“Ang atin pong kapulisan ay nagserbisyo para pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng ating mga kababayan. Kaya naman po na marapat lamang na mabigyan natin sila ng isang honorable at disenteng libingan para sa kanilang himlayan,” ani P/Director General Pedro ‘Pete’ Bulaong (ret) kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference room.

Pansamantalang nakabinbin ang serbisyo ng Libingan ng mga Pulis dahil sa kakulangan ng sapat na espasyo at hindi na napapanahong sistema sa paglilibing.

Inaasahang mas maraming pamilya ng kapulisan ang makikinabang sa naturang himlayan na may sukat lamang na 890 metro sa sandalling maipatayo ang modernong kolumbaryo at bone creep.

“Kaya naman po kami ay nagpapasalamat kay Manila Mayor Honey Lacuna sa agaran niyang pagtugon sa aming kahilingan na maipaaayos ang Libingan ng mga Pulis Maynila, gayundin sa mga nilalapitan naming sponsors para sa Manila’s Finest Golf Cup na pagmumulan ng inisyal na pondo para sa naturang proyekto,” dagdag ni Bulaong, ang chairman ng Antigong Manila Inc.

Bumisita rin sa programa sina organizing committee officials P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Col. Julius Castelo, P/Maj. Eduardo Villanueva (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Mario Magno, P/Maj/ Alicia Santos (ret), P/Maj. Ofelia Torres (ret), P/Maj. Lily Olayres (ret), Katherine Soledad at tournament director Darren Evangelista.

Hahataw ang Manila’s Finest Golf Cup sa Disyembre 8 sa Intramuros Golf Club at bukas ito para sa lahat na nagnanais na sumali.

“Target namin 150 hanggang 170 players. Kung mapayagan tayo na maghapong magamit ang venue puwede tayong makapaglaro ng 200,” dagdag ni Evangelista.

vuukle comment

GOLF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with