^

PSN Palaro

Gazz Angels kampeon!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Gazz Angels kampeon!
Nagkasabay sa pag-dig sa bola sina Grethcel Soltones at Justine Jazareno ng Akari laban sa Choco Mucho.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiskaril sa misyon ng Creamline ay ang pag-agaw ng Petro Gazz sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference crown.

Hinataw ng Gazz Angels ang 25-21, 25-16, 23-25, 25-19 panalo sa Cool Smashers sa ‘winner-take-all’ Game Three ng kanilang championship series para sikwatin ang gold medal kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 21 points mula sa 17 attacks, dalawang blocks at dalawang service aces para sa unang PVL All-Filipino title ng tropa ni Japanese coach Koji Tsuzurabara.

“I’m very, very proud and I can’t believe this happened,” wika ng 27-anyos na si Van Sickle. “I’m super proud of the team.”

Nagdagdag si Jonah Sabete ng 16 markers at may 15 points si Fil-Am middle blocker MJ Phillips para sa bagong PVL AFC champions.

Inangkin ng Petro Gazz ang kanilang ikatlong PVL title matapos magreyna noong 2019 at 2022 Reinforced Conference sa harap ng 10,226 fans.

Minalas ang Creamline sa kanilang misyong makumpleto ang makasaysayang ‘five-peat’ para sana sa ika-11 korona.

Kinuha ng Gazz Angels ang Game One, 25-17, 25-20, 18-25, 20-25, 15-10, bago nakatabla ang Cool Smashers sa Game Two, 25-15, 16-25, 25-21, 15-25, 15-9, patungo sa ‘do-or-die’ Game Three.

Matapos kunin ng Petro Gazz ang 2-0 kalamangan ay nakahirit ang Creamline sa third set sa likod nina Bernadeth Pons, Jema Galanza at Lori Bernardo.

Matapos umabante ang Cool Smashers sa 13-10 ay kumamada sina Van Sickle, Sabete at Aiza Maizo Pontillas para sa tagumpay ng Gazz Angels.

Samantala, ibinulsa ng Akari ang bronze medal matapos talunin ang Choco Mucho, 25-15, 26-24, 26-24, sa Game Three ng kanilang sariling serye.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with