VP Sara balik Pinas

MANILA, Philippines — Nakabalik na ng bansa si Vice President Sara Duterte nitong Linggo ng gabi mula sa The Netherlands.
Sa pahayag ng Office of the Vice President (OVP), lumapag sa NAIA ang Bise Presidente, alas-9:56 ng Linggo ng gabi sakay ng Emirates Airlines flight EK 334.
Ang Bise Presidente ay nanatili sa The Netherlands nang mahigit sa tatlong linggo kung saan nakapiit ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte na inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
“The Vice President is expected to address any pertinent matters in the coming days,” saad pa ng OVP.
Habang nanatili sa nasabing bansa, inasikaso ni VP Sara ang pagbuo ng defense team ng kanyang ama na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa ICC.
Sa pagbabalik ng VP sa bansa kakaharapin naman niya ang impeachment na inihain ng Kamara dahil umano sa maanomalyang paggamit ng confidential fund.
- Latest