^

Bansa

Año ‘inabswelto’ sa Duterte arrest

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Año �inabswelto� sa Duterte arrest
In this April 2020 photo, former National Security Adviser Eduardo Año is holding a press briefing.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni retired Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., si National Security Adviser Eduardo Año sa pamamagitan ng Facebook post kung saan pinabulaanan ang alegasyong kabilang si Año sa umano’y “core group” na nagplano sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa FB page ni Parlade nakasaad ang: “TUTOK! HUWAG TAYONG MAWALA SA POKUS SA TUNAY NA KALABAN.” Ang kalaban ay hindi ang buong pamahalaan kundi ang CPP at ang mga galamay nito sa gobyerno.

Ayon kay Parlade, suportado nila si Año na may integridad at ­makabayang paninindigan. Tinawag niya itong isang “propesyonal na sundalo” na ang katapatan sa bayan ay “walang bahid. Magkasama silang naging Battalion Commander sa Southern Tagalog sa kasagsagan ng insureksiyon. 

Si Año, dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines at isa sa mga pangunahing lider sa pagsupil sa Maute terror group sa Marawi siege, ay kasalukuyang vice chairperson ng NTF-ELCAC at National Security adviser sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ilan sa mga pinakamataas na lider ng CPP-NPA ang na-neutralize—kabilang na sina Benito at Wilma Tiamzon, Jorge “Ka Oris” Madlos, Menandro Villanueva, at Antonio Cule, at iba pa—na itinuturing na matitinding dagok sa kilusan.

Ang kontrobersiya ay nag-ugat sa maling paratang na si Año ay kasali sa planong arestuhin si Duterte dahil sa maling kuwento ni DILG Sec. Jonvic Remulla.

 

 

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->