Political analysts: Pagbaligtad ni Imee di nakakagulat
MANILA, Philippines — Tinawag ng dalawang political analysts na hindi nakakagulat ngunit kakaiba ang desisyon ni Senadora Imee Marcos na kumalas sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon, at iginiit na ang desisyon ay isang desperadong hakbang para isalba ang kanyang re-election bid.
Katwiran ni Marcos, kumalas siya dahil sa pagkakaiba nila ng posisyon ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit sinabi ni Alan German, isang beteranong campaign political strategist, ang hakbang ni Marcos ay kaugnay ng kanyang bumabagsak na posisyon sa mga survey.
“It is actually not surprising that Senator Imee has officially abandoned the pro-administration coalition of her brother. For quite some time, she has been very vocal about her support for pro-Duterte inclinations, and critical of several pro-administration moves,” wika ni German.
Bagamat makatutulong ang desisyon para makahikayat ng mga botanteng pro-Duterte, sinabi ni German na mapanganib pa rin ito sa kanyang kampanya dahil kailangan pa rin niyang tiyakin sa mga Marcos loyalist na mananatili siyang tapat sa legasiya ng kanilang pamilya.
Ayon naman kay Arjan Aguirre, assistant professor sa Ateneo de Manila University, isang “kakaibang” hakbang ang pagkalas ni Marcos.
“This is a bizarre move from Imee Marcos who seems to prioritize her chances of winning than sticking to her kin or that coalition that campaigned for her during the early days of the campaign season,” paliwanag ni Aguirre.
“Her decision to bolt the coalition and be independent is just to arrest her huge drop in the surveys—believing that her presence with the embattled Duterte faction will help her secure the votes from the Duterte supporters,” punto pa niya.
Nagbabala rin siya sa mga botante na maging mapanuri at mapagbantay sa mga kandidatong inuuna ang personal na interes. “Sa mga botante, maging mapagmatyag. Huwag basta-basta magpagamit,” giit ni Aguirre.
Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso, nasa ika-16 puwesto lang si Marcos. Ginawa ang survey matapos ang kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte at pagsuko sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Tinawag ng dalawang political analysts na hindi nakakagulat ngunit kakaiba ang desisyon ni Senadora Imee Marcos na kumalas sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon, at iginiit na ang desisyon ay isang desperadong hakbang para isalba ang kanyang re-election bid.

- Latest