^

PSN Opinyon

Police dog sa China, kinaltasan ng ‘bonus’ dahil nahuling natutulog sa trabaho!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG dapat sanang masayang pagtatapos ng 2024 para kay Fu Zai, ang kauna-unahang corgi police dog ng China, ay nauwi sa kakulangan ng bonus matapos siyang mahuling natutulog sa trabaho!

Si Fu Zai, na ang pangalan ay nangangahulugang “Lucky Boy,” ay sumali sa Weifang Public Security Bureau noong January 2024 bilang isang reserve explosives detection dog.

Sa kabila ng kanyang maliit na pangangatawan, agad niyang pinabilib ang kanyang mga trainer sa kanyang husay sa pag-amoy ng explosives.

Dahil dito, sa edad na 18 buwan, opisyal siyang naging ganap na police dog noong October.

Dahil sa kanyang dedikasyon, binigyan siya ng pagkilala sa isang year-end performance review noong January 19.

Isang video ang inilabas sa social media kung saan ipinakita ang ceremony kung saan ginawaran siya ng pulang bulaklak, mga treats, at mga laruan bilang ­gantimpala sa kanyang kontribusyon sa seguridad ng Weifang.

Ngunit hindi nagtagal ang kasiyahan ni Fu Zai matapos isiwalat ng isang pulis na mayroon siyang “mga kasalanan” sa trabaho.

Ayon sa mga opisyal, ilang beses siyang nahuli na natutulog habang naka-duty at minsan ay umihi pa sa sarili niyang food bowl!

Dahil dito, nagdesisyon ang kanyang mga handler na bawiin ang kanyang treats at laruan bilang parusa, na nagdulot ng katatawanan sa social media.

Sa video, makikitang si Fu Zai ay tila naguguluhan sa nangyari, habang nakatayo sa harapan ng mga pulis na bumawi sa kanyang mga regalo. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang pulang bulaklak bilang alaala ng kanyang pagsisikap sa buong taon.

Mabilis na nag-viral ang kuwento ni Fu Zai sa Chinese social media platform na Douyin (katumbas ng TikTok) kung saan maraming netizens ang dumepensa sa kanya.

“Grabe naman, isang taon siyang nagtrabaho tapos wala siyang bonus? Relate na relate ako!” anang isang netizen.

Dahil sa dami ng nagpakita ng suporta at awa sa police dog, naglabas ng follow-up video ang Weifang Public Security Bureau para ipakitang hindi nila pinabayaan si Fu Zai.

Sa halip, ipinaghanda pa nila ito ng mga espesyal na Lunar New Year food tulad ng Pacific herring, pumpkin soup, dumplings, rabbit meatballs, at isang pet-friendly na bersiyon ng sikat na Chinese dish na Fotiaoqiang.

Sa kabila ng kanyang mga “kasalanan,” kinilala pa rin si Fu Zai sa kanyang kontribusyon sa pulisya.

Noong Sabado, ginawaran siya ng Annual Award of Defying Fate bilang pagkilala sa kanyang determinasyon sa kabila ng kanyang maliit na katawan.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->