^

Kutob

Marso 23, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Maaaring hindi maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Ipagpaliban ang binabalak na gawain o ang pamamasyal. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba dahil madali silang malapitan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 36, 40 at squash.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Ipagpaliban ang balak na paglalakbay. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 22 at ocean blue.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Hindi matatakpan ng karangyaan ang pagkukulang sa aruga at kalinga sa tahanan, lalo na sa mga anak. Bumawi ka. Lucky numbers at color for the day ang 10, 27, 35, 42 at magenta.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 28, 43 at violet.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo o lumikha ng gulo. Huwag makialam kung wala ka naman kinalaman. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 32, 39 at light blue.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasamahan sa tahanan o pinapasukan. Pakinggan sila. Lucky numbers at color for the day ang 6, 23, 30, 43 at ivory white.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Posible ang hindi inaasahan na magandang pangyayari. Iwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 35, 42 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Malakas ang karisma. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya, makakatanggap ng balita. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 41 at honey yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makasagupa ng suliranin. Maisasaayos mo ang tungkol sa pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 21, 28 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang sorpresa ang naghihintay sa tahanan. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 10, 30 at strawberry red.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Bukas ang pagkakataon para baguhin ang masamang ugali. Maitatama mo ang iyong pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 10, 30 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Magagamit ang katalinuhan upang mapagtagumpayan ang gawain o proyekto. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 17, 22, 28, 31 at white.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->