^

PSN Opinyon

Umuulit ang Kasaysayan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Napakabilis umulit ang history sa Pilipinas. Noong 1986, pinatalsik ng People Power Revolution si Ferdinand E. Marcos. Ipinatapon siya sa America at doon nilitis sa aku­sasyong bilyong-pisong “kulimbat na yaman”. Nagprotesta ang mga Marcos loyalists.

Ngayon naman, inaresto ng International Criminal Court (ICC) si dating President Digong Duterte sa salang crimes against humanity at inihahanda ang paglilitis sa kaso sa The Hague, Netherlands. Nagpoprotesta rin ang mga sup­porters ni Duterte.

Chronic at vicious cycle ang nangyayari sa larangan ng politika sa Pilipinas. Ang nakababahalang epekto ng ganitong political turmoil ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa tama. Sa halip magbuklod para sa kabu­tihan ng bansa, ang ipinaglalaban nila ay ang mga perso­nalidad na iniidolo nila.

Matapos ang tatlong dekada nang maganap ang EDSA I, nakabalik sa bansa ang mga Marcos. Absuwelto sa mga kaso. Patay na ang ama nila pero ang mga anak at apo ay naging bahagi uli ng politika.

Si Bongbong ay Presidente natin ngayon na nagtamo ng napakalaking boto lalo na sa kabataang walang nala­la­man sa administrasyon ng matandang Marcos.

Ang sabi ni Vice President Sara Duterte, hindi na siya uma­­asang makababalik pa ang kanyang ama sa Pilipinas. Ngu­nit ano ang mangyayari kung manalo si Digong sa mayoral election sa Davao City? Sabi ng COMELEC, hindi maaapek­tuhan ng kaso sa ICC ang kandidatura ni Duterte.

At kung matalo naman siya sa katunggali niyang si Nog­rales, malamang sumigaw din ang mga supporters niya na sila’y nadaya. Iyan ang malungkot na epekto ng mga taumbayan na watak-watak.

ICC

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with