^

Probinsiya

Bulacan ambush: 3 sakay ng SUV todas!

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay kabilang ang isang babae matapos silang tambangan at pagbabarilin habang lulan ng sports untility vehicle (SUV) na bumabagtas sa highway ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng hapon.

Kinumpirma ni San Rafael Police chief P/Lt. Col. Eisbon Llamasares na tatlo ang patay sa ambush. Isa sa tatlong biktima ay kinilalang si Bryan Villaflor, binata, IT specialist ni Bulacan 3rd District Congresswoman Lorna Silverio; habang inaalam pa ang pangalan ng nasawi ring nobya nito, at isang security-bodyguard ng nasabing kongresista.

Sa inisyal na report ng San Rafael Police, nangyari ang ambush bandang alas-3:15 ng hapon, sa Brgy. Capihan ng nasabing bayan.

Ayon sa report, binuntutan ng isang itim na SUV ng mga ‘di kilalang suspek ang sinasakyang Ford Everest Titanium ng mga biktima na bumabagtas sa highway ng Brgy. Capihan at nang maabutan ay saka ito pinaulanan ng bala gamit ang automatic rifle.

Tadtad ng bala ang sasakyan mula sa harapan hanggang sa likurang bahagi, at tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang nagsisilbing driver ng SUV Ford Everest Titanium pati ang katabing lalaki sa harapan na kanilang agarang ikinamatay habang humandusay din ang babaeng pasahero sa likuran ng kanilang sasakyan na isinugod sa ospital pero idineklara ring patay habang nilalapatan ng lunas.

Sinasabing nasa 25 basyo ng cal 5.56 ang narekober sa crime scene kaya nagkabutas-butas ang nasabing sasakyan.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa ambush.

EISBON LLAMASARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->