RHJ 2 tsansa ang pinakawalan

MANILA, Philippines — Dalawang tsansa para sana sa 2-0 kartada.
Iyan ang nasayang ni Rondae Hollis-Jefferson sa huling 2 bola ng Talk ‘N Text tungo sa 71-70 kabiguan kontra sa Barangay Ginebra para payagan ang 1-1 tabla sa umiinit na 2024-2025 PBA Commissioner’s best-of-seven finals.
Naghahabol lang ng 1 puntos ang Tropang Giga sa huling 46 segundo matapos ang freethrows subalit hindi man lang nakatira para sana sa game-winner nang matengga sa kamay ni Hollis-Jefferson ang bola
Una ay naputukan siya ng shotclock sa huling 32 segundo bago na-triple team at naubusan ng oras sa huling possession tungo sa kabiguan.
Aminado si Hollis-Jefferson sa kanyang pagkakamali kaya gigil na makabawi sa Game 3 bukas sa PhilSports Arena sa Pasig para sa misyong masukbit ang 2-1 bentahe.
“I’ll probably watch that shot 20 times. You know, the last, I want to say, two or three possessions I didn’t even get a shot on? So that’s on me. I mean, that’s something I want to get better at, you know,” ani Hollis-Jefferson.
Nanliit si Hollis-Jefferson sa mala-lintang depensa ng Ginebra matapos ang maalat na 6-of-23 shooting tungo sa team-high na 25 puntos sahog pa ang 15 rebounds, 1 steal at 2 tapal.
Pinuri ni Hollis-Jefferson, reigning Best Import ng PBA, ang depensa ng Ginebra subalit nadismaya rin sa sariling performance na alam niyang may iaangat pa, lalo sa crunch time dahil sa karanasan niya sa NBA.
- Latest