Allowance ng mga sundalo itinaas ni Marcos
MANILA, Philippines — Sa gitna ng ugong na “mass resignation” ng mga sundalo na itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng ginawang pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kinakaharap ng “crime against humanity” sa International Criminal Court (ICC), ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang increase o pagtataas ng “subsistence allowance” para sa mga opisyal at enlisted personnel ng AFP.
Sa ilalim ng Executive Order (EO) 84 na nilagdaan nitong Biyernes, ang subsistence allowance ay gagawing P350 mula sa dating P150, na epektibo mula Enero 1, 2025.
Base sa EO, ang kasalukuyang subsistence allowance ng militar ay hindi na sapat para matugunan ang araw-araw na pangangailangan ng isang aktibong sundalo, na mahalaga sa kanilang kalusugan at pagganap ng kanilang tungkulin.
Ang subsistence allowance ng AFP ay huling nai-adjust noong 2015 alinsunod sa Joint Resolution No. 5 ng Kongreso.
Sakop din ng pagtataas ang lahat ng trainees, at probationary second lieutenants/ensigns na sumasailalim sa training, Citizen Military Training cadets at reservists.
- Latest